<!-- --><!-- --><style type="text/css">@import url(http://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/697174003-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> <meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/298228447176335251?origin\x3dhttp://annelabannelanutt.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener("load", function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=7686580237686310197&blogName=%E2%99%A5+%60+WEILIN+%2C+%3AD&publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&navbarType=BLUE&layoutType=CLASSIC&homepageUrl=http%3A%2F%2Fthat-islove.blogspot.com%2F&blogLocale=en_US&searchRoot=http%3A%2F%2Fthat-islove.blogspot.com%2Fsearch" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" frameborder="0" height="30px" width="100%" id="navbar-iframe" title="Blogger Navigation and Search"></iframe> <div></div>
All again for you;
You were the one, I was in love,
but you always hurt the one you lost.
SCREAM.

annelabannelanutt.blogspot.com

Yo. Welcome. :) Weird stuffs here. Can you handle?
Hot stuffs. Burnin'!
FantasyWonderLalaland(:




Don't wanna stay? Hate me? Poor you. Here, clickhere & out you go, dear.
SUPERNATURAL DUCHESS .


14 years of living. Senior. Living the dream. Been inlove, been hurt. but still, I go on with my life. Young and foolish. Loves fashion. Travel. Chatterbox. Laugh! I really am a dream-er. Future chef. KFC makes my badtrip away!

Really happy to have my superfriends. I superdiduperly lololove them all! Boys who sing and dance really turns me onnn, hun.

Web Counter

I thought of you ;
List of friends here?
Joy
Sette
Gigi
Miss Anne
Rona
John x2
Jiallibee
Ate Chui
Nels
Bronx
Ate Ash


Wished upon a .

I want I want I want ;

More Clothes
dSLR :|
Trip to other countries!
NEW FONE
& lots lots more...
Last updated: 081109/ .
I like to scream. Do you?

Links & Exits

Facebook

// May 2009
June 2009


The Designer Is APRIL
Base codes : (:
Icons : Photobucket
Shades : color codes




Sunday, May 31, 2009 ' ♥


Mejo tinamad ako magblog these past few days. So, naipon lang sila. I'll not indicate the dates anymore because I've forgotten how things went by. Haha. Yeah so, Annel is signing in agaaaaaaain! ^^,


Yeah so, hindi ko na matandaan kung anong date to nangyari.
Eto yung day na dapat mageenroll kami but, for some reasons, hindi natuloy. Actually, nagwala ako nito. I don't know why but sa sobrang inis na din siguro. Kasi, the night before that, talagang napagusapan na na mageenroll the next day. So ayun. Eh dumating daw ung Lola ko dun sa Sta. Isabel, so ayaw daw paalisin si Daddy dun. Nainis ako ng sobra na nagwala pa talaga ako. Topak na din kasi talaga ako nun. Ang sakin lang naman is, pwede namang bumalik agad siya dun pagkatapos namin mag-enroll diba? Saglit lang naman ung ilalaan niya saming time eh. Ako din kasi ung magbabalot ng libro. Pati ung sa kapatid ko, so ako ung mahihirapan diba? Naghahabol lang ako ng time. Ayun. Talagang iyak ako ng iyak. Tapos tumawag si Ate Gina kay Mama Gie. Then yun. Andami nilang pinagusapan. Ayun. In a few minutes, naging mas okay nanaman ako. Naligo para maalis yung init ng ulo ko then nagnet nalang maghapoooooon. Haha. Tas nung mga 7, nag-online ako to see if Mom was online na. Then yun, online na. Nabalitaan niya na daw yung nangyari. Nagalit nanaman siya. Hay nako. Ewan ko na nga ba sakanila. Tapos, edi kwentuhan. Napunta nanaman kami sa kukunin kong course. Why do alot of people, especially mga tita ko and others, pinagpipilitan nila ung mas gusto nila kesa sa mas gusto kong kunin? I don't get it at ALL. Tinanong ng mga tita ko kung ano kukunin ko, then my Mom said PT. Sobrang dami na side comments na narinig ko. Kesio, wala daw akong mararating dun, manghihilot lang daw ako. Hello, that's why its PHYSICAL THERAPY. They don't get me. Kung gusto ko daw ng magandang trabaho, mag Nursing daw ako. Oo, dati gusto ko ng Nursing, pero umayaw na ko simula nung nalaman ko na puro Organic Chemistry. Ang dahilan nila, pagaaralan ko din naman daw yun. Eh sinabi ko na ngang mahina ako dun eh. Tapos pag mababa yung grades ko, papagalitan nila ko. I know that, they know what's the best for me, but I know myself more. So yun, sobrang na-pissed off ako nun. I was about to cry. Tapos sinisigawan pa ko ni Mama nun, so parang ang tingin ko sa sarili ko, nakatape na yung bibig ko tapos magbburst into tears na ko. So nagpaalam muna ako kay Mama nun tapos pumunta ako sa kwarto ko.

In my room, my tears ran off like water in the faucet. Sobrang na-uupset na ko sa mga nangyayari. Magkaaway sila Mama at Dad, sinabayan pa nung course thingy. Kamusta naman yun diba? That time, I don't know what to do. So I prayed. I asked Him what should I do. And then, I decided to call Jacklyn but I don't know her house phone. Then I decided to call Bing, but there was no answer. Next one is Diane, but still, no answer. Then I browsed my phone book, I found Coise. Dialed her number, then there. I bursted into tears again when I was talking to her. Talagang I was so down that time. I keep saying that " ayoko na, hindi ko na kaya. gusto ko na makasama kayong mga friends ko. ayoko na dito. " Talagang iyak ako ng iyak. Then pagkatapos nun, si Joy naman ang tumawag sakin. Salamat at napatawa na din ako kahit papano (thanks Joy*smile*). So yun, hindi ko muna masyadong kinausap sila Mama at Dad that time. Talagang pagod pa ko. Salamat din sa mga nagtext sakin kung okay lang ako. :) Haha. So ayun. I think I cried for almost 4hours that time. Like, whoa. My eyes was swollen and I don't know how to make it look better so my Dad wouldn't ask why is my eyes like that. Reddd. Yeah. I have a picture but my camera is in my cousin's house. Haha. So that night, I've decided to sleep as early as I can.

When I woke up, 'twas hella red and swollen as ass. And it hurts alot. Bute nalang hindi nahalata ni Daddy, kundi.. patayyy. Haha. That day, nageenroll na kami. The plan was ako nalang talaga ung pupunta kela Mama Gie para kami nalang ung magenroll. I was talking to my Dad about it, then bigla niyang sinabi, " ayaw mo ba ako kasama magenroll, anak? " Whooa. Haha. I refused, of course. Haha. Yun, sabi ni Mama Gie pumunta daw ako sakanila ng mga around, 1PM. So ayun. Pagdating ko dun, hinintay namin sila Ate. Oh yeah, bati na kami ni Ate. Haha. Eh ang tagal nila, so we left. Pagdating sa school, punra agad office. Actually, kulang pa yung pera namin kasi there was a problem in the bank when Mama Gie withdrawn the money. Kinabukasan pa daw makukuha. So yun. 'Twas a good thing being a old student, eh? Haha. Pinakiusapan lang ni Mama Gie na kunin na din pati ung mga books, kasi talagang books are the ones why I do like to enroll. Hahaha. So yeah, we got the books. Yay me! Haha. Ayun. Dun na din dumarecho si Ate sa school. Pagkatapos, umuwi na din kami kela Mama Gie. Haha. Pagkadating dun, foodtrip! Haha. No wonder, tumaba nga si Ate dahil dun. Haha. Bumili ng tinapay, Sprite na 1.5, chips. Pagkakain, nagbalot na din ng libro. Nakakahiya kela Tita Angie dahil nagprint pa ko. Kahiya talaga eh. Ayun. Keh Vince lang muna ung binalutan ko para may magawa naman ako sa bahay. Haha. Ayun. Dumating si Kuya. Ininis si Tongie! Hahaha. Ang sarap manginis ng bata, gigil na gigil samin. Grabe. She was crying and she was throwing tantrums! Hahaha. Then pagkatapos nun, uwi na din. On the way home, pumunta muna kami ng Jollibee to buy. Then this one crew, hindi niya alam ang frost blends! Grabe. Ano daw yun. Parang inosenteng inosente siya dun. When he left tawa kami ng tawa ni Ate, grabe. Haha. Lmao. Then yun. Pag sakay namin ng bus, nakasabay namin sila Pastor. Nilibre nila kami ng pamasahe (thanks po ulit!). Then yun. Hanggang sa makauwi na.

Next day, wala akong ginawa. So nagbalot lang ako ng mga libro ko. Tapos katext ko si Jara, sabi niya bago na daw ung Physics book namin. Hindi ako naniwala kasi wala naman talaga. Tapos edi yun. Tuloy lang ako sa pagbabalot. Buong araw yun lang ang ginawa ko. Haha. Then I found out na iniba daw talaga ung Physics book namin. Gah, I was pissed off. Darn it. Sayang balot ng libro. Haha.

Soooooo muuuuuccchhhhhh about these past few days.


Kahapon, 'twas supposed to be the awardings for Liga. Well sad to say, 'twas moved on June 6. But we, me and the folks there in Sta. Isabel, decided to see each other last night. So last night, was a tiring day. Oh night pala, my bad. Haha. Antagal din naming hinintay si Daddy. Ang tagal nung sinundo kami eh. Haha. Pag dating namin dn, nandun na silang lahat. Kainan. I didn't eat because I ate at the house. So I'm full pa that time. So hinintay ko nalang sila matapos. 'Twas raining. We can't play. :( So, nagkwentuhan nalang kami. Buong gabi lang kami nagkwentuhan. Nagkainisan pa. Dahil binosohan daw ng isang tropa ng mga pinsan ko ang pinsan kong babae. Tae lang niya uyy. Tampalin ko siya eh. So much of that. Bumili ng kung anu-ano sa tindahan. Tapos kwentuhan ulit. Nakakaloko ung isang bata naming kasama, kung ano ano din ang kinuwento samin. Tapos natripan magpicture picture. Haha! Tapos nun, napagusapan na magphotoshoot. Yesss. Love it! XD Hahaha. Kaya sa 6, usapan na namin na yun nga. Photoshoot. Wee. Ang aga din nila umuwi. Ako lang natirang babae dun. Nakakwentuhan ko ang mga lalaki. Haha. Ayun. Nagenjoy din ako sila kausap, ang gulo gulo nga lang namin magkwentuhan. Hindi nagkakaintindihan. HAHAHA. Ayun. Nalobat pa ko, kamusta naman yun diba. Haha. Mga 12 past na din nakauwi. Naulan padin.

Ngayon, as I promised, nakapagchurch na kami! Yayy! Haha. Ayun. About discouragement ang preach ni Pastor ngayon. I've learned so much things. :) Wee. At ngayon, guess what? I have nothing to do hereeeee! Hahaha. Sorry kung mejo mahaba ang aking blog ngayon. Matagal tagal din akong hindi nakapagblog eh. Haha. Ayun.




- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

I MISS LASHIEVAH! :(
Text meeeee .

Labels: , ,


And here we are again, another end; 12:08 AM


Tuesday, May 26, 2009 ' ♥



Woot! I missed blogging. Haha.




May 23

Yeah. Its's Geneva's burfday. Hahaha. Geneva is Gwen's sister, not Geneva Bebang. Haha. So when I woke up, I sent her a message. Haha. And I told her happy birthday blah blah. Haha. Then Ulay started texting me too. Haha. We talked about what we'll do later that day. Then so on. I spent my time dancing, again, in front of the mirror while waiting for 3PM. Hahaha. Am weird, right? Haha. Tapos yun. Mga 3:30, I started fixing myself. I took a bath, ofcourse. Then blow dried my hair. That time, Dad was sleeping. I woke him up and told him that magsisimula ung birthday party ng 4PM, and he told me that let him sleep first. Ofcourse I let him. Then 4PM came. I finished ironing my hair and so on. Put a little make-up (yeah, maarte ako eh. lmao) then woke him up again. The he told me that wag na ko pumunta.. WAG NA PUMUNTA!?! You kiddin' me? It can't be. No. Sabi niya sakin, ano ba daw gagawin ko dun. Hello, its a birthday party! Why in the world would he put up a stupid question. Hindi daw kasi sila naguusap ni Tita She. Which is Geneva's mom. I don't effin' care. I just want to go. Nakatulog din si Vince, ewan ko dun sa abnoy na yun. Sasama daw siya pero pagkapasok ko sa kwarto eh tulog na siya. That time, badtrip na ko. Nakabihis na ko and everything kasi. Tapos yun. Sabi ko magcocommute nalang ako. Kaya ko naman eh. Tapos yun. He was annoyed, pissed off actually. Then he told me that hindi na daw ako mapigilan blah blah. Geneva is one of my parang baby sister so hindi pwedeng hindi ako pupunta sa birthday niya. And so I left the house at around 5. Geneva and Ulay was texting me like, " Ate, nasan kna ba? Punta ka na dito, please! " And then I told them that malapit na ko. Haha. When I arrived, everyone shouted, " Eto na si Annel! "

I hugged Geneva and greeted her happy birthday. Nasa swing kami nila Ulay. And they told me that akala daw nila hindi na ako pupunta. Tapos yun, everyone asked me bakit ako lang daw magisa nagpunta, bakit daw wala si Daddy at si Vince. And I told them over and over the reason behind it. Haha. And I was shocked when I got there, some of the players was there! Yay! I was so happy when I got off the trycicle. Haha. Yeah, I know, I'm a super weird-o. Hah. Then ayun. Tinawag ako ni Tita She para kumain. I ate pansit and chicken. Haha. Cool cake, kalamay. XD But 'twas good, though. Haha. Tapos dumating din si PJ so, complete! Haha. We played volleyball. Haha. Then mga pagabi na, I think 'twas mga past 6 na, nagkayakagan maglaro ng taguan. At first, ayoko pa. Kasi mejo tinamad pa ko. But everyone was saying like this, " Sige na Ate Annel ", " Oonga Nel, minsan nalang eh ", " Minsan lang tayo magkita ". See? Pano ka hindi mapipilitan sumali. Haha. And there a some unfamiliar faces. Haha! Sila Noel. Then yun. Naglaro kami ng Bang-Sack. Hahaha. And we had so much fun until someone came. Hahaha. Mejo nasira laro namin dahil sakanila. Magulo kasi sila maglaro. Kainis lang eh. Oh, ung mga dumating pala, players din. Haha. LATE. Haha. Ayun. Naging magulo na. Umuwi na si PJ and everything. Napikon na din si Gearom pati si Eriz. Edi wala, ayawan na. Haha. Tapos nun, patintero naman ang napagtripan namin. Hahaha. Konti lang sumali at first, kasi ung ibang mga pampam, ayaw. Okay, ayaw eh. Wag pilitin. Hahaha. Ayun. Ako, Jayrhus, Ulay, Gene, Eriz and Jonel played it first. Haha. Nainggit ata ang mga mokong kasi we're having fun. Ayun. Hanggang sa tinawag na ko ni Ulay and told me that Daddy had texted Papa Allen na umuwi na daw ako. And ayun, we went home. 'Twas a great night. :)






May 24

It's Sunday. And I had a bad dream. I don't know, 'twas a nightmare. For me. And I guess God did woke me up. I think 'twas on purpose. And guess what? I'd forgotten that its Sunday! Nung nagising ako, I tried not to sleep anymore. Pero talagang antok pa ko. And I was soooo guilty of not going to church. I prayed and prayed and asked for forgiveness to Him. And promised that next Sunday, I'll go to church. Haha. And yun. Nothing much that day. Talagang naguilty lang ako kasi hindi ako nakapagchurch. Pero, next Sunday talaga. :)

Sooooo onnnn.




May 25

I woke up sa sobrang init! Super. Grabe na talaga yung init eh. 9AM, ang init init na agad. So lumipat ako s kwarto nila Daddy kasi mejo malamig pa yung kwarto nila dahil sa airon, ofcourse. Natulog ako sa paanan nila. HAHAHA. Magulo matulog ung mga yun eh. Nagising na din ako kaagad kasi hindi ako comfortable sa place ko. Haha. Ayun nothing much din dito. Naggupit lang ako ng bangs. Woot. XD Hahaha. Tapos nakausap na namin si Mama nung gabi na.

Nung una, maayos pa kami. Then nung nakalaon na, I was in the bathroom getting finished with my bangs, I heard Mom crying. She said that hirap na hirap na siya. And I want to burst into tears but I don't want to make her feel more bad about it. Its been a long time since my Mom and Dad talked. Whatever the reason was, this is beyond unusual. I feel so.. not a good daughter to them. I felt useless that time. Wala akong magawa kundi hintayin nalang ang mga susunod na mangyayari. Mawawalan ng trabaho si Mama. She told us that, gusto daw ng amo niya, longer time lesser sweldo. Syempre, ayaw naman ni Mama ng ganun. Kaya ayun. Crisis kami ngayon. Alam kong nakakahiya dahil dito pa ko nagsasabi sa blog ko about this things but, dito lang rin ako nakakapaglabas ng galit. And I don't think na madami ring nagbabasa nito, just a couple of usual friends. Right? Ayun. Everybody, dumadating sa ganitong situations, right? I know that this is just a challenge from God. To test my family how we can handle things like these. And siguro, pinagpapahinga muna ni God si Mama kasi puro trabaho talaga si Mama, neverending work. Pati Sunday, umaarangkada ang Mama ko sa trabaho. And sometimes, naaawa na rin ako sakanya. Sabi niya din samin kagabi na sana kapag gumraduate na kami ni Vince, siya naman ang magbantay samin dito. Si Daddy naman ang magttrabaho. And I think Dad will do his best to find a decent and a good work. And that He will help us in everything. Hindi Niya kami pagkukulangin sa mga bagay. I trust Him. :) And then yun. Hanggang mga 10:30, natulog na si Mama kasi maaga pa din yung work niya.

Nung matutulog na ko, iniisip ko yung mga nangyayari. And I prayed. I asked for His guidance to our family. And I know that He will be always be there to help us whenever, whatever. :)




- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Hindi pa din ako nakakapagenroll for now. Ugh. Bwisit. I don't have time to cover OUR books.


May 23: Happy birthday, Geneva Guererro :)

And here we are again, another end; 1:56 AM


Wednesday, May 20, 2009 ' ♥


care.





May 19

Maghapon walang ginawa, as usual. Oh God, gusto ko nang pumasok sa sobrang bored. And, I miss too many people right now. Gumising ako ng mga 10. Mejo tuyo-tuyo na ung paso ko, yayy. Nakakatulog na din ako ng mejo maayos. Haha. Ang hirap din maligo, promise. Haha. Ang hapdi pa di niya. Ang ang kati na. Haha.

So mga gabi, umalis kami. I think we left the house about 5. Tapos hinintay pa namin si Mama Gie sa labas. Ang init lang. Kahit wala ng araw nun, mainit pa din siya. Haha. Walang hangin. Dumaan sa patay na malapit dito samin. And, I'm not sure if kamaganak namin sila. Haha! Hindi ko alam eh. Ayun. And andami na din palang nagbago dito samin. Andami ng unfamiliar faces. Andami na ding nakatira sa labasan na hindi ko mga kakilala. Sabagay nga din, hindi na ko natambay sa labasan. Am too big for that things. Haha. Dati nakakalabas pa ko, nagbibike, roller skates, nanghuhuli ng mga tutubi. Tapos iinom sa poso kapag nauuhaw. I miss childhood. And I think I want to turn back time.. again. Tapos yun. Punta kasi kami Imus, kukunin yung padala sa Ninang ko. On the way there, dun ko lang nalaman na Ninang ko pala siya. Haha. Funny. Andami ko talagang hindi kilala na Ninang ko pala. Hahaha. Then yun. Yaman lang talaga ng mga Ninang kong taga-Batangas, sa Cita Italia sila nakatira. Haha. Taray. XD Tas yun, ang cute ng bahay. Maliit lang siya tapos maganda. Haha. Sabi ng Ninang ko, kamukang kamukha ko daw ang Mama ko. Pero in the end, she ended na hati pala. Haha. Matagal na din kasi na hindi niya ako nakita, ayun. Haha. Pagkatapos nun, nasa kotse kami, tawa ng tawa si Tongie. Naloko na yata yun e. Haha. Punta kami Lotus nun. Bili DVD. Atlast, nakabili na ko ng BOF! Haha. Tas yun, nabadtrip lang ako all the way home. Ang topak ko nanaman nun eh. Ewan ko ba. Matigas ulo eh. Pagkauwi, gutom na gutom ako. Tas kumain ako, naligo. Tas basa ng libro na pinadala ni Mama. Guess what kung anong title nung 2 books na yun? HAHA. Girls in Love at Girls under pressure. Kainis lang eh. Haha. Ayun. Niung tinamad na ko, nanuod na ako ng DVD. Confessions of a Shopaholic. Mejo na gwapuhan din ako kay Hugh Dancy. :"> Mejo lang, okay? Haha. Tas yun, natouch din naman ako sa movie. Napaisip nanaman tuloy ako. Haha. Pagkatapos nun, natulog na din ako.




May 20

Extra ordinary. I woke up about 9. And I grabbed the book to read. For about hours, I read it. And malappit na pala matapos yung libro. So binitawan ko muna. Haha. After that, I decided to watch Slumdog Millionaire. And yeah, one of the best movies I've watch. Ang ganda nung plot. Haha. Natuwa ako dun sa movie, foh real babe! Haha. Hindi ko natapos agad kasi kakain ng lunch. Paspas ako sa pagkain eh. Haha! Ang ganda kasi talaga. Bra-vo. Haha. Pagkatapos nun, Bride Wars naman ang pinanuod ko. Loved it! :D Haha. Bagay sa magbestfriend, actually, its about 2 bestfriends having thier wedding at the same day, same place. Basta. Must seen movie. Haha. So much for that. And, nagdecide din ako magunli. Haha. Ayos, parehas kami ni Joy 2days unli. Ohyeah. Haha. And yeah, 1st GM ko. Nagreply siya. Biglang bumilis tibok ng puso ko.

Edi magkausap na nga kami diba. Akala ko magiging okay na kasi, sabi niya sakin mejo nahihirapan na siya. Edi sabi ko, siya bahala kung anong gusto niyang gawin. Edi yun nga daw blah blah. Nahihirapan na nga daw siya. Tapos, he'll break up with her na daw. Ako naman, nagulat din , kahit na sabihin nating un na nga. Sabi ko, kung saan ba talaga siya sasaya. And yun. Wala na. Pero, bakit ganun, hindi ako ganung kasaya? And I think I know why. Kasi alam ko na magkakabalikan pa din sila no matter what. And I have to accept the fact that eto nalang ung role ko sa buhay niya, palaging tutulungan kahit nasasaktan na. And I think, tama talaga din yun. And that night, napansin niya din na parang hindi ako okay. Alanganaman sabihin ko skanya, diba. Kaya I told him that may mga iniisip lang akong mga bagay bagay. Kinukulit niya ko. And in the end, wala din. Nakatext ko din ang kanyang beloved. Hindi ako bitter. Ayoko na din kasi.

Last night, I've decided that I have to move on kahit anong mangyari. Sinasaktan ko lang rin ang sarili ko. Nagiisip ako ng mga imposible na mangyari. And I think its time that I have to wake up to reality. That I cannot please every people in the world. Na dapat kayanin ko ung mga situations dahil simula palang to, wala pa ako sa kalagitnaan eh nahihirapan na ko. I have to take care of my self and most of all, my heart. So I've decided na ilet go nalang kahit mahirap. Dahil kailangan. Hindi pwede lahat ng gusto ko nakukuha ko all the time. And I know that God have better plans for me. And I know He only know what's best for me, always. And I thank Him cause, He's the one who listens to me whenever I have problems and for being there always. And I'm very thanksful that He gave me friends. Friends that are always there na sinasambot ako kapag babagsak na ko at magbbreak out na. And I know that, ginagawa sila ni God as an instrument para alagaan ako.

And so now, I've learned things. Thank you. Thank you for making me feel special even though I know I'm not. Thank you for treating me as your bestfriend. Iba ka din sa mga lalaki na nakilala ko. Kahit sa first love ko, iba ka. Siguro nga I'm too young to fall in love, but lagi akong meh natututunan sa twing naiinlove ako. And for the last time, minahal din kita sa paraang alam ko. Thanks. Goodluck sainyo, really. :)


- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

G0AL: Sana maging certificate awardee ako, kahit isang bes lang. Haha! :)

Labels: , ,


And here we are again, another end; 10:47 PM


Monday, May 18, 2009 ' ♥


Blog ulit ako ha? Haha.




May 17

Yup. Another boring day, of course. Haha. Me and my brother went to church to give thanks to the Lord. After that, we went home. Ate Gina was absent so, dad and I prepared our lunch. After we ate our lunch, I washed the dished and cleaned the table. After that I spent all day along with my laptop. And, watching DVDs. Haha. Then when I got really bored, I went to Ate Toni's. At first, we're enjoying. Laughing and dancing with Tongie. Then Tongie left cause her playmate went home. She was very annoying whenever she can't get what she wants. Spoiled brat. Haha! Then there, Mama Gie, Ate Toni, Albert and I was left in the house.

Pumunta na kami sa room ni Ate cause we don't have anything to do. So there, I painted my nails royal blue. Then we we're dancing and laughing.. again. Haha. Then we curled our hair. Then suddenly, when I was standing in front of the mirror, something burned my skin. No, not
something, SOMEONE. And its Ate. Swear, I was furious that minute. Pinaso niya ko gamit ang pangkulot sa buhok! Can you imagine that? Then she said that wala daw yun kasi hindi naman nakakapaltos yung plantsa. But swear to God, t'was so freakin HOT! See? My skin was burned. :( We argued about it. And well, I ran home. At first, Dad didn't notice until it was so red and I'm so, as in sooo nervous about it. Pumunta ako kay Daddy to ask na talagang napaso ba siya. And yes, indeed. Dad was soooooo angry about it that he said that wag na wag siyang magpapakita sakin, hayop siya. mapapatay ko siya!. Whoa, I was damn scared. And I was crying that time. Kasi sobrang hapdi niya. Parang tinutusok ka ng mga needle around it. Tapos, kinausap din ako nila Mommy kasi they're online. Tas yun. My mom and my tita ( mommy ni ate) was so angry about it too. Kasi, my mom and dad was very careful with my skin, tapos gaganunin lang daw ng pinsan ko. And yeah, I was angry too. Ikaw reader, gawin kaya sayo yun ng walang dahilan, matutuwa ka ba? Hindi diba? Kinausap nila si Ate. Wala naman akong magagawa eh, that her fault. Kung hindi niya ginawa sakin un in the first place, edi sana hindi siya mapapagalitan, diba? I was so worried na baka hi
ndi na ko makapagsuot ng mga shorts. Kasi, baka magpeklat (pero Lord, sana po hindi, please) yun. :( HAHAHA. Funny, not. Mejo nagalit lang din naman silang lahat. Not
my fault. And yun. Talagang ang hirap din matulog. Kasi, nakadapa lang ako matulog. And, petroleum jelly? Best :) Haha.






( eto po siya nung bagong paso palang.
wawa naman ako. x[ )




May 18

When I woke up, nakadapa pa din ako. Haha! Ang hirap matulog, swear. Haha. Tinignan ko agad yung paso ko. And mejo tuyo na siya. (thank God!) This day, nagising ako dahil sa alam ng calendar, which is birthday ni Gen. Hahaha. T'was 9 o'clock. Okay lang yun. Haha. Nagutom ako, kaya kumain ako ng tinapay and hot choco. Tapos, nagpatugtog, morning exercise. Lol. Haha. Mga hanggang 12 siguro, naghoolahoop lang ako. Haha! Tas yun, kain na ulit ng mga 1. Tapos, nood ng Harry Potter:Prisoner of the Azkaban. Haha. Mga 2 hrs din inabot. Tapos nun, we didn't got tired of watching, Titanic naman. Haha! Hindi namin tinapos cause that movie is waay too long. Haha. Then, when we turned off the TV and all, we fixed ourselves. Took a bathe, toothbrush and all. Kasi championship na ng LIGA. Pagkatapos ko maligo, I picked some clothes. Nabanas ako. I don't know what to wear because of this damn burn! Hindi ko alam kug anong gagawin ko. I got creative. Haha. Kumuha ako ng cotton and bandage, I put alot of petroleum jelly in it then nilagay ko na dun sa paso. Then I covered it with the bandage. Cool. Haha. And, problem solved! Haha. I wore a black tokong and a blue shirt. Haha.

Around 6:30 or 7, I think, the game started. Damn, I was freakin' nervous about the game. And I had the feeling that we'll lose. But I stopped thinking about it. Until the quarters went by, I prayed and prayed to God that let us win this championship game. But sad to say, we lost. T'was a good game. And its okay if we lost. Maybe God has a reason. :) And that reason is good, of course. Bawi nalang next year. Yeah. Haha. Pagkatapos nun, wala ng pansinan sa players. Sila yung hindi namamansin eh, ohhhkaaay. Wharever. Haha. Laro laro ng volleyball, until nasampid ung bola. And guess who did it.. ME! =)) Hahaha. Sorry. Walang magawa after that. And when the players left, Ulay suddenly cried. And yeah, she's emotional to alot of things. She said that even though hindi niya nakausap ung ibang players and they're just staring with one another, she treats them as a friend na. And that se will really miss them. See how Angosta's are really friendly? HAHAHA. And for me, yeah, napalapit na din ako sakanila. Basta, I will post a blog some other time about them. :) Haha. Then yun. Wala kaming magawa magpipinsan. Kwentuhan lang. We didn't watch the volleyball championship because of some reasons, IDK. Haha. Tapos bumalik sila Gene, yay! Haha. Dahil nasampid ang bola, meh counter part ang loka. Badminton! Haha. Nagkampihan, change the loser. Joyce and I won 3 sets. Haha. We didn't finish the fourth set with Jonel and Gearom kasi everyone will be going home na. Haha. And then yun. We went home blah blah blah. Haha.


- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Bat hindi ka nanaman nagpaparamdam? Nakakatampo maige. Lol. De, sige. Alam ko naman eh. :)


May 18--Happy birthday, Geneva Pascua. :)

And here we are again, another end; 8:40 PM


Saturday, May 16, 2009 ' ♥






Mejo ngayon lang ulit ako sinipag magblog dahil ngayon rin lang ako nagkatime.. para buksan ang blogspot. Haha!



May 14

Well, walang msyadong pangyayari nitong araw na to eh. Nung gabi, wala naman. Laban lang ng LIGA. Kalaban blue. Sa volleyball. Uh, panalo. Duh. Haha. Wala lang. Sayang din un. Dapat pasok sa championship eh. Tsk. Next year nalang. Haha. Middle ng game, dumating nanaman ang mga mokhong. Hindi ko pinansin. Binayaan ko nalang sila. Haha. At ayaw padin ako tigilan nung meh gusto sakin. Asar na asar na ko. Buset eh. Edi binali wala ko nalang sila. Dun ako sa mga tita and pinsans ko. Mejo masaya din naman. Pagkatapos nung laro namin nila daddy, championship. Hot Mamas VS. Dogtown. Matindi talaga ang 8 ng Dogtown. Grabe. Tas sabi ni Kuya Amiel, dapat daw sa team namin yun. Edi kung sami yun, kami na yung nandun diba. Kainis lang eh.

Championship. I don't know which side I'm in. So me, Ulay and Geneva decided to just goof around. Ang yeah, Vince was part of that goof-around gang. Haha! Geneva and Ulay stopped. But Vince and I continued to goof around. We tickled each other, told some corny jokes. Haha. And ayun. Ung isang player galing sa basketball team, tingin ng tingin samin. Ewan ko kung samin. Tas parang pinaguusapan nila kami ng mga tropa niya. So mejo nailang ako. Ayun. But Vince didn't stop to laugh so parang ako, natatawa nalang rin lang. And un, nag-goof around lang kami. Kahit nakatingin parin ung players samin. Haha! Kilala ko naman sila e. Don't care. HAHA. Ayun. Mga 4th set, ihing ihi na ko. Sa kakatawa! Hahaha. Sila kasi eh, pinapatawa ako ng pinapatawa. Rawr. Haha. Pagkatapos nung 4th set, takbo kami kela Gene. Buti nalang malapit sila sa court. Eh nagtie pa sila. 2sets parehas. Edi overtime. Haha. Nung overtime, dun nalang kami sa labas. Karga ko si Sheneya. Ayun. Sunod naman din ung mga pampam sa paningin ko. Hahaha. Nilalaro si Sheneya, biglang magpapampam. HAHAHA. Tae lang. Tas yun, panalo ang Dogtown. Tas yun, uwian na. Niloloko ko nga sila Gene, sabi ko hindi ako pupunta ng Sabado. Hahaha. Mga naniwala naman po ang mga bata. Muntik na atang magkagulo? Ewan. Bahala sila. But I heard somthing like this.. " Tigil tigilan mo ung kapatid ko ikaw na bakalang baboy ha! " Ah. Okay po. Hahaha. Basta. tas yun. Uwi na.

Nagtext siya that night. Mga 11:30 na din siguro nun. Hindi na ako unli, pero nireplyan ko padin siya. Bastusan lang hindi naman nagreply. Napika lang ako. XD




May 15

Pag gising ko, ikaw agad ung pumasok sa isip ko. I don't know why. So I wondered about 5 minutes. Wala talaga. Ikaw padin ung naiisip ko. Tas yun, kinuha ko na ung phone ko. Hinanap ko baka meh text ka, wala. Asa pa naman din ako, diba? Ayun.

Pasok UPCAT. Mock exam na. Nakakangalay sa kamay. Nakakasakit ng leeg. Haha! Ang dami ng science, grabe. Tas ang konti ng alloted time. Gahh. 8:30 - 11:00 ung exam. So that makes it 3 hrs and 30 mins. Imagine? Kangalay lang po. XD Haha. Tas un. Binigay na yung average chorvaness. Ang baba ng average ko! EWE.

Mamimiss namin si Andrew! HAHAHA. Ayun. The excellence award went to Kuya Justine Regalado. :) Galing talaga nun eh. Haha!



Pagkatapos ng UPCAT, dalawang lakad ung pupuntahan ko. Una kela Geneva tas sunod SM with AbSisa. Uh. Ayun. Mga 12 or 12:30 nakela Gen na kami. Kain. Tas biglang pinauwi na ako. Tas di na ako pinayagan. Tae lang talaga. Woo. Bwisit. Bute nalang nagenjoy din ako kela Gen, nako. Tas yun. Wala na.



Later that night, tnext ko si Joy. Bigla kasi akong nalungkot ng mga past 9 eh. Hindi ko alam kung bakit. Tas tnext ko si Joy. Hindi unli, nakitext keh Jimbo. Ayun. Sabi ko itext ako pag unli na siya. Tas nagtext nanaman yung bwisit na meh gusto sakin, lalo akong nabadtrip. Kamusta naman po yun diba. Nako. So ayun. Mejo tinamad na ako magnet. Naligo na ako. Tas nagtext muna si Joy bago ako maligo, meh ikkwento daw siya sakin. Pang pawala ng badtrip. Ayun. Tungkol keh *YUN* daw. Edi ako mejo naexite. Pagkatapos ko maligo. Ayun na! Kinwento na.



Kasi diba nkikitext nko keh *toot* pag keh *toot*. Eh nagtext ka.
Naghanap ako ng unli. C *toot* eh walang number mo..
*YUN*: annel? may apat na piso pa yan.
joy: unli ka?
*YUN*: hindi. okay lang. siya naman e.


Pero nung ung girl na daw ang nagtext, ang sinabi daw, "
di na ko unli e. =))) " HAHAHA. Mejo kilig to thaa bones nanaman po ako nun. :"> Try niyo. HAHAHA. So that night, ang ganda talaga ng tulog ko. Woo. So happy ever.



- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto mong iparating sa mga kilos at ginagawa mo. Pero wala na para sakin yun. Masaya na ako na ganito. Masaya na ko in a way na mahalaga din pala ako sayo kahit papano. Atchaka ang gusto ko lang naman, marealize mo na eto ako naghihintay na mahalin mo lang ako pabalik. Ayun. Bumalik nanaman yung strong feeling ko para sayo. :>

" Kukupkupin nalang kita.
Sorry wala ka nang magagawa.
Mahalin mo nalang ako ng sobra sobra.
Para patas na tayo, diba? "


Happy Birthday, Justine Regalado :)

And here we are again, another end; 12:21 AM


Tuesday, May 12, 2009 ' ♥


Dalawang araw ako hindi nakapagpost. Hahaha. Kamusta naman yun. Wala din nmang nagbabasa diba? Ayos. :))



May 10

Sunday, Mother's Day. Gumising ako ng 6:30 para magsimba. Pumunta ako sa kwarto nila daddy para gisingin sila. Pero sabi ni daddy 9 na daw kami magsimba. Natulog ulit ako tapos gumising ng 8. Naligo na ko tas ginising ko ulit sila. Hindi sila gumising. Kainis lang. Hindi nanaman kami nakapagchurch. Ayun. Wala naman msyadong happenings netong date na to. Namiss ko lang maige ang nanay ko. 2 years na kami hindi magkasama tuwing Mother's day. Yun. Napagusapan din namin ung sa courses. Gusto ni mama, medical field na din ang kunin ko. Bio daw or kahit ano basta medical field. Tas yun, nabanggit niya yung PT. Nacurious din ako. Haha. Parang gusto ko na din. Ayun. Baka PT nalang ang kunin ko. :)


May 11

Birthday ni Mama. Pagkagising ko, nagmail agad ako sakanya para batiin. Pero nasa trabaho na siya agad. Kaya nung gabi lang siya nakapagmail. Nakakalungkot lang din kasi birthday niya hindi namin siya kasama. Ayun. Laban din nila daddy sa LIGA. Meh lumapit saking bata..

Bata: Ate, kung pwede daw makipagkilala ung mga un (tinuro ung mga yun)
Ako: Ha?



Nakakatakot talaga mga tao ngayon e. 8-| Lumipat tuloy ako ng upuan. Lumipat ako sa mga pinsan kong lalaki atchaka kay daddy para hindi na makalapit sakin. Hahaha. Tas ayun. First set, kami panalo. Ang kulit lang ng mga kasama ko. Haha! Mga players ng basketball team namin ang kasama ko. Ang kulit lang po nila. Haha! Pero, nakakatuwa naman din. Tawa lang kami ng tawa. Masaya kasama yung mga yun. Mga pampam lang talaga. Hahaha. Tapos pagkatas na nung isang set, lumapit nanaman ung bata sakin. Buti nandun na ko sa mga pinsan ko. Pinagalitan nila ung bata. Haha! Buti nalang. Ayun. Talo pa nga ang Allen's Angels. Konti nalang e. Kainis lang talaga yun. Bayas kasi, kainis. Ayun. Pagkabalik namin sa bukid, nagvolleyball lang kami ng mga pinsan ko. I had fun. :) Pero, hindi namin nakausap si Mama. Nakakainis din kasi ang DSL, nawawalan nalang bigla ng internet. Ayun. Kinabukasan, nagsorry ako.


May 12

Nagising ako 11:30 na. Natulog kasi ako mga 2 na. Akala ko nga 8 palang, un pala 11 na. Haha! Ayun. Tinext na agad ako ng pinsan ko. Exited na para sa laro sa gabi. Haha. Wala akong ginawa maghapon kundi magnet, manood ng TV. Wala kasi talaga naman talagang magawa e. Naman. Nung ga pagabi na, mejo naeexite na din ako sa laro. Haha. Nakausap ko si Mama. Ayun. Mga 8:15 umalis na kami dito sa bahay. Sayang. Late kami sa laro. Parang PBA pa naman daw ang entrace ng mga players. Sayang kapatid ko. Tsk. Haha. Pagdating namin sa court, lamang na ang kalaban ng 6 points. Kainis lang. Tas ang babastos lang po ng mga nagchcheer sa kabilang team. Mga pampam. Grabe. Talunan lang kasi sila. HAHAHA. Wala, talo din kami. :| Pagod players. Tsk. 3 points lang lamang samin. Sana nagshoot na si Gino ng 3 points. Para habol. Hahaha. Ayun. Volleyball ulit pagdating sa bukid. Mga matagal din kami nagvolleyball. Tapos nun, nagsawa kami. Patintero naman. Boi, burog kami. Kainis. Tapos, matagal tagal na din ung laro namin, madaya kasi. Haha. Tinawag ko team mates ko para sa meeting. Haha. Arte eh nu, pameeting meeting pang nalalaman. Haha! Tapos nabanas na ko. Ang pampam lang kasi ng mga taga kabilang team. Tas napikon na ko.

Ngayon ko rin lang nalaman na ang pikon ko din pala sa mga laro. Haha! Ang bilis ko din mainis these days. Ewan ko din kung bakit. Hahaha. :P


- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Ang porma. Parang manhid na ko sa mga sakit. Hindi na ko apektado sainyo. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi na ganung kalakas ung feelings ko. Siguro nga, malapit na din kita makalimutan ng lubusan. Mas okay na din siguro yun. :)



Happy Birthday, Louie Santonil :]

And here we are again, another end; 7:58 PM


Saturday, May 9, 2009 ' ♥


Katulad ng sinabi ko, kapag sinipag ako, magpopost ulit ako for this day. 


Nung hapon, wala akong ginawa. Nood lang ng Wowowee. After that, tinamad na din ako. Kung ano-ano na ginawa ko. Net nalang. Wala din akong load e. Hahaha. Blah blah. Mga 5 PM, kain na ng dinner. Tinapay at hot choco ang kinain ko. Diet. Haha. :P Sorry na. Taba ko po kaya. Haha. Ayun, tas nagpatugtog ako ng malakas. At naloka nanaman, nagsasayaw nanaman ako sa harap ng salamin. See, am I weird? Or weird-er? Hahaha. Then dumating tita ko, galing sila g SM. Iniwan nanaman nila ako, kainis lang. Haha. Then yun, wala akong mgawa kaya I've decided na pumunta nalang sa mga pinsan ko. Pagdating ko dun, warm hugs for greetings! :) Seriously? I missed them. Kahit na 3 bahay lang yung pagitan namin, hindi padin kami nagkikita araw-araw. Kamusta naman yun diba? Haha. Then yun. Kwentuhan, bonding time. Gawa ng coffee (yummm!), nagsaing ako para sakanila, nagluto ng daing. Hndi ako kumain, nagkape lang ako. Haha. Tapos, sira yung rice cooker, nambastos lang po. Haha. Eh di antagal, dun nalang namin niluto sa kalan. Edi tapos na. Kain na sila. Edi tapos na..

Napagusapan ang college. Hindi ko nga alam kung bakit napunta dun ung usapan e. Talked about courses we want. Ayun, si Ate, Medtech talaga ang kukuhanin. FEU. Si Kuya naman, graduating na. :) ComSci. Ayun. Tas tinanong nila ko kung anong balak kong kunin. Ang una kong sabi, architecture. Tapos ang sabi ni Kuya, " Nakaw. Puro Physics yun, pati mga Math, Calculus. " Biglang ayaw na ako. XD Kasi, kahit gusto ko ang Math/Trigo, ayoko talaga ng Physics. Haha. Ewan ko din kung bakit. Pero mas gusto ko ang Physics kesa sa Chem. Hahaha. Edi ayun, tas ang gusto ko talagang talaga is Buisness Management. Ayun. Mas ayos daw kahit na sabi ng tito ko na wala akong mararating dun. Haha. Tapos, pagkatapos nun, magk-Culinary ako. Ewan ko, talagang mahilig ako sa pagluluto and experiments sa foods :) Haha. I think thats a good thing. Haha. Sa magppinsan, kaming mga panganay gusto lahat mag Culinary. Ang cool nu? Haha. Mana daw kami sa Lolo ko. Haha. Hindi na sila nakontra sa mga gusto namin. Kasi, napagusapan din namin na kapag ayaw mo talaga yung pinapakuha sayong course, hindi mo talaga yun maeenjoy. Parang napipilitan ka lang gawin. Sabi nga, follow your heart. :) Kaya din hindi natapos ni Kuya ang Mechanical Eng. kasi ayaw niya, hindi niya kaya. Binawi niya lang daw mama niya kasi mejo nagloko siya nung HS days niya. Ayun. Kaya ang tip niya samin, kunin talaga ung gusto namin. So, yun. Buisness Management na talaga. :D


- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -


Tanggap ko na lahat-lahat. Masakit man, pero wala akong magagawa. Masaya na ako ng ganito, friends. Well, bestfriend mo daw ako. Edi ayos. :) Basta, mas masaya ako ng ganito. Hindi ko din alam kung ano ba talaga. Parang mey kulang padin.. Something. A BIG something. Hindi ko pa naffind out kung ano yun. Hintayin nalang kung ano talaga yun. Lol. :))




Advance Happy Mother's Day :)

Labels: , ,


And here we are again, another end; 7:38 AM


Friday, May 8, 2009 ' ♥


First blog for my 2nd account. I've deleted my 1st account for some reasons. And I didn't open that account since.. last year. Haha. I don't even know why. There. So I decided to create a new one. Dito ko din lang kasi minsan nalalabas yung galit ko. Even though mababasa to ng kung sino-sino, hindi naman nila ako kilala e. Haha. Well, you need some info?

Well, my name's Annel . Well, I have many nicknames, but most of my friends call me Annel/Nel. September 21 in the year 1994. Born in PI. Pinaglihi sa manggo ice cream. Incoming 4th year HS in Atheneum Amcan School. Well ayokong mang-gaya sa mga post ng iba. Ayun. General infos lang yung given. You'll get to know me more sa mga posts ko in the future.

For now, eto muna ung ipopost ko. Depende sa mood ko later if sipagin ako magpost ulit. But if not, maybe tomorrow. Tutupadin ko na ung magpopost talaga ako parati, kahit I have nothing to say. Haha. Tapos kapag hindi ako nakapagblog that day, maybe the nextday. :) Haha.

That's all folks. ;) Ta-tah for now!

Labels: ,


And here we are again, another end; 11:29 PM