Saturday, May 9, 2009 ' ♥
Katulad ng sinabi ko, kapag sinipag ako, magpopost ulit ako for this day.
Nung hapon, wala akong ginawa. Nood lang ng Wowowee. After that, tinamad na din ako. Kung ano-ano na ginawa ko. Net nalang. Wala din akong load e. Hahaha. Blah blah. Mga 5 PM, kain na ng dinner. Tinapay at hot choco ang kinain ko. Diet. Haha. :P Sorry na. Taba ko po kaya. Haha. Ayun, tas nagpatugtog ako ng malakas. At naloka nanaman, nagsasayaw nanaman ako sa harap ng salamin. See, am I weird? Or weird-er? Hahaha. Then dumating tita ko, galing sila g SM. Iniwan nanaman nila ako, kainis lang. Haha. Then yun, wala akong mgawa kaya I've decided na pumunta nalang sa mga pinsan ko. Pagdating ko dun, warm hugs for greetings! :) Seriously? I missed them. Kahit na 3 bahay lang yung pagitan namin, hindi padin kami nagkikita araw-araw. Kamusta naman yun diba? Haha. Then yun. Kwentuhan, bonding time. Gawa ng coffee (yummm!), nagsaing ako para sakanila, nagluto ng daing. Hndi ako kumain, nagkape lang ako. Haha. Tapos, sira yung rice cooker, nambastos lang po. Haha. Eh di antagal, dun nalang namin niluto sa kalan. Edi tapos na. Kain na sila. Edi tapos na..
Napagusapan ang college. Hindi ko nga alam kung bakit napunta dun ung usapan e. Talked about courses we want. Ayun, si Ate, Medtech talaga ang kukuhanin. FEU. Si Kuya naman, graduating na. :) ComSci. Ayun. Tas tinanong nila ko kung anong balak kong kunin. Ang una kong sabi, architecture. Tapos ang sabi ni Kuya, " Nakaw. Puro Physics yun, pati mga Math, Calculus. " Biglang ayaw na ako. XD Kasi, kahit gusto ko ang Math/Trigo, ayoko talaga ng Physics. Haha. Ewan ko din kung bakit. Pero mas gusto ko ang Physics kesa sa Chem. Hahaha. Edi ayun, tas ang gusto ko talagang talaga is Buisness Management. Ayun. Mas ayos daw kahit na sabi ng tito ko na wala akong mararating dun. Haha. Tapos, pagkatapos nun, magk-Culinary ako. Ewan ko, talagang mahilig ako sa pagluluto and experiments sa foods :) Haha. I think thats a good thing. Haha. Sa magppinsan, kaming mga panganay gusto lahat mag Culinary. Ang cool nu? Haha. Mana daw kami sa Lolo ko. Haha. Hindi na sila nakontra sa mga gusto namin. Kasi, napagusapan din namin na kapag ayaw mo talaga yung pinapakuha sayong course, hindi mo talaga yun maeenjoy. Parang napipilitan ka lang gawin. Sabi nga, follow your heart. :) Kaya din hindi natapos ni Kuya ang Mechanical Eng. kasi ayaw niya, hindi niya kaya. Binawi niya lang daw mama niya kasi mejo nagloko siya nung HS days niya. Ayun. Kaya ang tip niya samin, kunin talaga ung gusto namin. So, yun. Buisness Management na talaga. :D
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Tanggap ko na lahat-lahat. Masakit man, pero wala akong magagawa. Masaya na ako ng ganito, friends. Well, bestfriend mo daw ako. Edi ayos. :) Basta, mas masaya ako ng ganito. Hindi ko din alam kung ano ba talaga. Parang mey kulang padin.. Something. A BIG something. Hindi ko pa naffind out kung ano yun. Hintayin nalang kung ano talaga yun. Lol. :))
Advance Happy Mother's Day :)
Labels: bonding, college, confused
And here we are again, another end; 7:38 AM